Marami nang taong naghihirap ngayon at ito ay dahil sa maling pagdedesisiyon o kundi dahil sa kasakiman ng mga tao. Natututong gumawa ng masama ang isang tao dahil sa kung paano sila tinatrato ng ibang tao at dahil din sa kung paano sila pinamumunuan ng kanilang mga pinuno. Para saakin, ang politiko talaga ang pinaka kilalang pinagmulan ng mga kasakiman at kasamaan at ito ay hindi nakakabuti para sa mga tao lalo na sa mga taong kapos at madali lang maapektuhan nito. Hangang ngayon ay tila hindi parin natutunan ng mga tao ang kanilang mga leksiyon. Marami paring taong pinpili paring gumawa ng mga masasamang bagay.
Base sa aking napanood, marami paring mga tao ngayon ang mga biktima parin nitong tinatawag nating "POVERTY". Nakita ko kung gaano kahirap ang sitwasyon nnung pamilya sa pinanood kong bidyo. Grabe pala talaga ang siitwasyon sa mundo ngayon at hindi ito masyadong nabibigyan ng pansin ng ating gobyerno. Minsan, yung tinutulungan lamang ng ating gobyerno ay yung mga sitwasyong makakdulot din ng kasikatan para sa kanila. Pinipili lang nila kung sino ang kanilang tutulungan o kung saan sila may mas mapapakinabangan.
Marunong dapat tayong tumanggap ng mgapagkakamali natin at baguhin ito sa lalong madaling panahon. Dapat rin natin tratuhin ang ating mga kapwang mamayanan sa patas na pamamaraan. Pagtuonan rin nating huwag madling masilaw sa kayamanan at kapangyarihan. Matuto rin tayong rumespeto sa isat isa at magtulungan. Tayong lahat ay ginawa ng diyos ng pantay at mahal niya tayo ng pantay kaya sana rin ay pantay-pantay rin ang patrato natin sa isa't-isa.
Comments
Post a Comment