Ang lahat ng tao ay merong sariling pakay sa buhay. Nasa atin nayon kung nais ba natin itong madiskubre o hindi. Hindi ang lahat ng tao ay talagang nakakamit o nadidiskubre ang kanilang talagang pakay. Isa sa mga rason dito ay dahil hindi sila interesado. Marami kasing mga tao ang wala lang talagang pakealam sa buhay at ang iba naman ay derterminadong malaman kung ano amng rason kung bakit sila ay isinilang dito sa mundo.
Ako ay isa sa mga taong ito. Determinado akong makdiskubre kung ano ang aking pakay dito sa mundo at nais ko ring mabuo ang aking misyon sa buhay kaya sisikapin kong mabuti na magawa ang mga bagay na ito. Unang- una ay gusto kong siguraduhin na ang mga desisyon naa aking gagawin ay para sa ikabubuti ng aking misyon. Pangalawa ay hindi ako magpapadala sa mga masasamang sinasabi ng mga tao. Pangatlo, hinding hindi ako susuko at pang-apat ay gagawin kong mga pangaral aking aking mga pagkakamali upang malaman ko kung ano ang dapat at hindi ko dapat gagawin sa susunod.
Sa pamamaraang ito ay mas maging maingat na ako sa aking pagglalakbay sa buhay. Mas tataas pa ang tiyansa na magtagumpay ako saaking nais. Mas magiging malapit sa pagiging posible ang aking nais na buoin aang aking misyon sa buhay at ang pagdiskubre ko sa aking pakay dito sa mundo.
Comments
Post a Comment