May isang malaking deperensiya ang pagiging tao at ang pagiging maka tao. Ang pagiging to ay walang utakan. Kung ipinanganak ka na tao ay nagawa mo na ang tinatwag natin na pagiging tao. Ang pagiging makatao naman ay ang pagpapakita mo ng pakikiisa sa mga tao nasa iyong kapaligiran.
Sa totoo lang ay mas naging madali para saakin ang pagiging tao dahil natural akong nilikha ng Diyos na maging isang tao. Ang pagiging makatao naman ang mahirap para saakin. Wala kasing tao na nilikhang perpekto dito sa mundong ito. Siguro, kaya kong makipagkaisa sa mga tao na nakapaligid saakin ngunit hinding- hindi ko maiiwasan kung may mga tao na may ayaw sa saakin o nga taong hindi ko nakakasundo. Mahirap kasing gumawa ng mga gawang makatao sa mga taong sa umpisa palang ay ayaw na sa iyo. Hindi naman ako masyadong mabait para pigilan ang aking sarili na umaban sa tuwing aapihin na ako.
Alam ko na ang lahat ng mga tao ay may kakayahang gumawa o magpakita ng mga gawaing makatao ngunit imposible sa isang tao ang pagiging makatao ng walang katapusan o pahinga.Nasa tao kasi yun kung sa anong panahon nila nais maging makatao at ang kapalpakan natin na palaging maging makatao ang isa sa mga rason kung bakit tayo tao.
- Erica Garcia
Comments
Post a Comment