KAKULANGAN NG EDUKASYON
Alam naman nating lahat kung gaano ka importante and edukasyon para saating lahat lalo na para sa mga kabataan ngayon. Ito ang naglalagay saatin sa tamang landas sa buhay at humaharang saatin upang gumawa ng mga maling desisyon. Ito rin ang nagsisilbing susi natin para malaman ang lahat ng tungkol sa mundong ito. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi lahat ng tao na isinilang sa mundong ito ay nabibigyan ng opurtunidad para makamit ang eduksayon na kinakailangan nila.
Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na may prebilihiyong makapag aral at hindi rin ang lahat ng mga magulang ay may perang upang pag aralin ang kanilang mga anak. Marami sa mga bata ngayon ay napipilitang magsikap para mabuhay sa napaka murang edad. Ang iba pa nga ay napipilitang gumawa ng masama dahil sa kahirapan ng buhay.
Kung may mga tao man na nakakapagaral ngayon, dapat nilang matutunan na maswerte sila dahil naranasan nilang mabigyan ng opurtunidad para makapag aral. Matutunan rin sana nila na hindi bagay sa kanila ang pagiging inggrata at magalit sa kanilang mga magulang dahil pinapag aral sila. Minsan, may mga ayaw tayo na mga bagay sa buhay ngunit, lingid sa ating kaalaman na kapag ito pala ay mawawala, hahanap hanapin natin pala.
Comments
Post a Comment